tantatatatan

life is tough.. but we're soooo blessed, we have a Big God.. all we have to do is pause.. then play..Ü

Thursday, August 7, 2008

byahe ng buhay ko part 1

ngaun ay august 8, 2008..




maswerteng araw daw.. tingnan natin.. pero naniniwala naman talaga ko
na maswerte ako eh.. kaya alam ko pagbibigyan ako ni God sa hiling ko..
gusto kong maglaho kahit isang araw o dalawa.. bakit? wala lang.. gusto ko lang ipahinga ung utak ko kahit feeling ko naman wala naman syang ginagawa na nakakapagod.. pero aun nga gusto ko maglaho muna.. muna ha? hindi panghabangbuhay..

san naman ako pupunta? hmm.. napagplanuhan ko na to eh.. pupunta ko
sa baguio.. hindi dahil dun pumunta si jasmin sa my girl ha? hehe! matagal
ko na gusto pumunta dun kasi once pa lang ako nakapunta dun tas
nagkasakit pa ko.. pupunta ko sa baguio sakay sa tricycle.. hehe! pero
syempre hindi matagal ang byahe.. (hawak ko ang oras..pwede ko
pabilisin kung gusto ko).. aun.. tapos pagdating ko dun.. maglalakad lakad
ako.. sa mga pwedeng puntahan dun.. tas mag uukay ako.. masaya un.. tas lakad ulet, kain pag nagutom.. doon sigurado walang nakakakilala saken.. ung bestfriend ko andun pero syempre di ko muna papaalam na andun ako sa baguio.. ayan.. balik ulet.. pag napagod ako maglakad.. pupunta ko sa isang park na pwede tumambay.. uupo ako sa damuhan tas magmumuni muni.. tapos pag napagod ulet hihiga naman ako.. pipikit at iiyak..



weird.. pipikit at iiyak.. haha! tas uulan ng malakas.. pangarap ko kasing
umiyak habang umuulan.. kasi syempre walang makakarinig sakin.. kahit
sarili ko hindi ko maririnig syempre nga umuulan.. malakas na ulan gusto
ko..


pag napagod na ko sa baguio.. pupunta ko ng tagaytay.. hmm.. dun kasi

malapit ang langit eh.. seryoso.. parang abot kamay mu ung mga bituin
pag andun ka.. pupunta ko dun sa hindi pa developed na subdivision sa
may tagaytay.. dun kung san kami nagstay nung nag ILC kami sa yfc..
masarap dun.. ang laki ng mga bituin.. hehe! tapos hihiga ko sa may
semento.. kukuha ko syempre ng sleeping bag.. (kung san san ako
nakakakuha ng mga gamit) haha! lilibutin ko din ang tagaytay.. kakain ako
ng mushroom burger kasi di ko pa natitikman un eh.. tas pupunta ko dun
sa kinainan namen nung nagshoot kami, dun sa may mga bulaluhan.. ang
ganda ng view dun.. hai.. ansarap..



hmm.. napagdesisyunan ko ng tapos na ung paglalaho ko.. kaya super
pagod na ko tas babalik na ko.. sana sa pagbalik ko bagong ako na.. balik sa
realidad pero mas matatag na ko.. mas less iyakin na ko.. mas
mapagpasensya na ko at mas mapagmahal na ko..



hai.. ansarap mangarap.. gagawin ko to.. pag nakaipon ako.. hmm.. part 1
pa lang to.. marami pa kong gustong puntahan at gawin..


>>nakakatawa kasi andameng tanong dito sa sinulat ko.. pero pangarap
nga eh.. kaya ganun.. hai..



>>5..4..3..2..1..... zaaaaaaaaaaappp!!!!!!!!!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home