tantatatatan

life is tough.. but we're soooo blessed, we have a Big God.. all we have to do is pause.. then play..Ü

Tuesday, August 10, 2010

imbisibol

08.11.10

Gusto ko maging imbisibol ulit! Gusto ko din ngumalngal! hay buhay! :'(

Wednesday, June 3, 2009

MY PRAYER

06.03.09

Lord, if I can't understand Your will right now, please teach me to trust Your heart. :')

Sunday, January 25, 2009

hirap pala

01.26.09

bigla kong naisip na mahirap pala tuparin ang pangarap ko na gumawa ng entry tungkol sa no. 1, 3, at 4 sa previous entry ko..

kasi naman baka mademanda ko ng fam kapag mali ung impormasyon ko at kapag may nakalimutan ako.. nag rumble kasi sa utak ko eh.. hehe!! ang gagawin ko pa lang eh ung message sa fam.. pero ung the rest,d ko pa mapapangako na magagawan ko xa ng bonggang bongga.. kasi naman kelangan ituon ang buong buhay ko para matapos ko un ng bongga.. eh syempre naman may buhay pa kong sarili kaya naman iniisip ko pa kung tatalikuran ko ung buhay kong normal para gawin ang entry tungkol sa fam.. haha! (puro buhay ung ginamet kong word)

*gusto ko gumawa ng libro tungkol sa fam.. este gusto ko gumawa si japs ng libro tungkol sa fam.. wala kasi akong talent sa pagsusulat.. hehe! kayalang baka naman walang bumili.. kami lang.. tsk tsk tsk.. tas kuripot pa kami, baka paphotocopy na lang namen ung libro ng ibang fam member.. hehe or ung soft copy na lang.. in short eh wag na i-publish.. haha!! pero kasi pangarap ko magkalibro ang fam eh.. kahit tamad ako magbasa eh babasahin ko un pag naging totoo..

**mare sana matupad mo ang pangarap ko.. ehehe!! lablab. :D

Friday, January 23, 2009

entries to go...


eto ang list ng mga gagawan ko pa ng entry KAPAG sinipag ako:

1. iba't ibang pangalan na nabansag sa bawat myembro ng fam or kung panu nag evolve ang mga names namen.

2. message sa bawat fam member

3. mga pinauso namen sa fam dictionary at codenames sa bawat mga lalake namen.. haha!! at kasama na den siguro dito ung mga codes namen na pag sinabi un eh maiintindihan na ex: i sed hello! ung mga ganun..

4. mag iisip pa ko.. Ü basta tungkol sa fam..

**ginaya ko to kay mare, nabasa ko kasi sa blog nya eh.. haha!! ailabit!

Thursday, January 22, 2009

JOKETYM FAM


01.22.09

Ayan, january 22, 2009 ngaun.. sisimulan ko na tong pinlano ko na entry about my 'fam'.. kelan kaya ako matatapos.. hmm.. tmad talaga ako, wala pa ko sa kalagitnaan pagod na ko.. haha!! eni, ung fam na tinutukoy ko eh hindi ung literal na pamilya na biological.. pero ung bond at pagmamahal namen sa isa't isa eh daig pa ang magkapamilya at magkadugo.. pero infairness, magkakadugo nga pala kami, kulay purple ung dugo namen kasi sweet kami eh.. hehe! si rea nag paumpisa kasi nun..

umpisahan ko na kung panu nagsimula ang fam.. nung unang panahon, hindi kami talaga magkakakilala, syempre naman kasi magkakaiba kami ng section, nagkakita lang kami nung 2nd year na kami sa FEU kasi pareho nga kami ng mga course.. MASSCOM-- pare pareho siguro kasi kami ng hilig -- manchismis.. haha!! aun, iba ung ka group ko, ang kasama ko palagi sa mga groupings eh si jenipher, jennelyn, rhealyn, loraine at ako.. so 5 kami, lagi den naman kasi 5 members per group kaya swak lang kami at kami na ren ung naging friends.. tapos syempre ung iba naman may kanya kanyang grupo..

minsan maaga ang uwian namen, eh tamad ako umuwi kasi super init plus tapos na ata ung sinusubaybayan ko na series na 'sarah the teen princess' kaya ok lang saken na mejo madelay ang uwi. tapos ung mga kagroup ko eh may kanya kanyang business kaya ako na lang ang natira.. sumama ako kila japs at tumambay kami sa freedom park hanggang hapon.. di lang once un.. kasi naulet un.. masaya sila kasama, hanggang nakapagkwentuhan na.. ok na ung mga sumunod na araw.. lagi na akong hindi umuuwi ng maaga.. haha!! tapos umabot na ren sa punto na sumasabay ako maglunch sa kanila (sa group nila japs).. hanggang mapansin ng mga ka-group ko na naaattach na ko kila japs.. tas nagkaron ng drama subject, mga individual at group directing.. tulungan kasi we're blockmates.. haha!! aun, mas naging deeper ang aming relationship.. charot! pero kidding aside, dun nga nag umpisa.. hanggang eto pa.. enrollment un, lilipat sila loraine ng section kasi parang ayaw na nya sa section namen (kami na nakakaalam nun kung baket) haha!! basta un.. di ko naman maiwan ung section namen kasi close ko na sila japs, eds, cel, tet etc.. kaya un, deadma lang ako.. napilit naman sila loraine na wag na lumipat kaya happy pa ren..

tas isang breaktime sa plaza ni nicanor (kung san nakalibing si nicanor) charot! haha! basta dun malapet sa NRH, dun kami kumakain ng lunch dati kahit na mainit. basta isang tanghali dun sa lugar na un eh masayang ngkkwentuhan kami tas biglang sabi nila si japs daw si inang mother tas sila daw ung mga anak (sa encantadia) ung apat na brilyante ba un o elemento? kahit anu, di ko na tanda.. basta ganun, tapos dahil andun ako at wala akong role syempre binigyan nila ko ng role.. ako si cashopea/kashopeya na kapatid ng reyna (si japs un) napaka alangan naman kasi kung anak din nya ko.. haha! plus apat nga lang kasi ung mga anak.. sakto na kila celren, tet, eds, einj.. tas un, ako nga si cashopeya in short eh cash, tita cash.. mula ng araw na to eh sapilitan ko nang tinalikuran ang pangalan ko na gwen.. nawalan kasi ako ng karapatan sa pangalan na gwen, talagang cash na talaga.. haha!! sa susunod na blog ko ikkwento ang pagevolve ng pangalan na cash.. hahaha! basta aun.. lagi kami magkakasama at nagtatawanan.. tas nauso ung group of 10 sa mga projects (production classes) syempre hindi kami nila japs ang magkakagroup since birth kaya dumaan pa kami sa pagsubok para lang maging magkagroup kami. nagkaron pa ng mga issues, pero wala na un.. better not to discuss here.. pagkwentuhan na lang naten ng live.. hehehe!!

basta ganun nga na-achieve namen na kami ang maging magkakagroup.. bale 10 kami.. ako, japs, cel, tet, rea, einj, eds, loraine, jenipher, jennelyn. 10 kami pero hindi nakasama si jenipher at jennelyn sa 'fam'.. naging neighbors naman sila.. hehe!! basta ibang issue den un kung baket kaming 8 lang ang natira..

naging ok na kila loraine na mapasama kila eds kasi masaya talaga sila kasama.. hanggang jumoin na ren sila sa pamilya pamilyahan.. naging mama ni loraine si einj at naging mama ni rea si cel.. basta nag agawan pa sila ng mama nun eh.. hehe! basta aun.. maaga kasi lumandi si cel at einj kaya sila ang nagkaanak.. umabot sa point na lola ang tawag nila kay japs.. wahahahaha!! comedy bar talaga!! at nung nagtanungan kung anung surname namen? syempre napagkasunduan na JOKETYM na lang kasi naman bukambibig namen ung 'joketym' eh.. kaya kami naging JOKETYM FAM..

may mga plus pa.. si ena na dating kapitbahay eh naging fam na den, dapat anak ko xa kayalang ayaw nila tetet.. insecure kasi sila.. haha!! tas si cristal, anak ko den siya kay toink toink.. bale nabuo ulet kami na 10..


and the rest was history.. Ü

Monday, January 19, 2009

HAPPY BIRTHDAY!

01.20.09


HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!!!!!


FUN FUN FUN!!!!


LOVE LOVE LOVE!!!!


22 NA KO!!!!

Tuesday, January 6, 2009

super loved..

01.06.09

I AM SUPER LOVED...

nakakatawa kasi antagal ko na gusto gumawa ng entry dito sa blog na to for this year, kayalang super tinatamad ako na mag type at mag-isip.. but then, nabasa ko yung blog ni japs so nainspire na ko na umpisahan na to.. hindi ko pa den naiisip kung anu ang title nito.. bakit kaya may title pa? pwede naman wala.. hai.. parati na lang ito ung problema ko.. ang hirap mag isip ng isang title na coconnect sa mga pinagsasasabi ko.. hai.. yaan ko na yan, baka mamaya makaisip na ko.. haha!

mabalik ako, naiinspire ako magsulat ulet nung nabasa ko yung blog ni japs.. super namiss ko ibuhos lahat ng nararamdaman ko.. though walang aral na mapupulot dito sa blog na to, naisip ko pa den to ituloy kasi in this way, naeexpress ko yung mga nararamdaman ko na kadalasan eh sabaw na ideya lang..

recently eh masaya naman ako, aside sa pagtaba ko na naman kasi dumaan ang pasko at bagong taon, eh ok naman ang sistema ko.. un nga lang humabol ung sipon ko bago magpasukan.. hahaha!! ngayon na lang ulit naranasan ang napaka habang bakasyon mula nung nag aaral pa ko.. 11 days ba naman eh.. ansaya kaya.. hehe! yung parati kang puyat pero hindi ka nag aalala na may pasok kinabukasan, you can sleep all day! tas yung tipong gusto kong magsayang ng kuryente kasi minsan lang naman ako nasa bahay.. haha! pasaway! wala na ngang pambayad nagsasayang pa ko.. andalas ko mag computer nun.. at number 1 tamad ako nung bakasyon.. pupnta lang ako ng masinag eh nagpapahatid pa ko sa tatay ko.. bawal ako maglakad.. para kong ay-aywanan.. haha!! ansaya!! kaya naman bonggang bongga den ang paglobo ko.. haha! feeling ko sa bigat na nararamdaman ko eh buntis ako.. haha! charot! virgin mary? nyahaha!

ayun.. ok na bakasyon kahit walang pera keri naman.. satisfied naman sa pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko.. haha!! i'm super duper mega over loved by my God, my family and my friends.. wala na kong mahihiling pa.. meron pa pala,, wish ko na matagpuan ko na yung bonggang bonggang kasiyahan ko.. hindi naman sa hindi ako masaya pero may kulang pa den eh.. parang kulang pa talaga ng bongga..

para nga kong mamamatay na, panu gusto ko makipag one to ones sa mga friends (fam) ko.. kasi gusto ko malaman ang updates ng buhay nila eh.. panu once in a blue moon lang kami makumpleto, hindi pa nga totally kumpleto eh.. basta ayun gusto ko sila makakakwentuhan.. siguro isang dahilan eh gusto ko den magkwento.. haha! give and take lang ang drama.. nyahaha!! grabe kasi ung pagmamahal ko sa fam eh.. haha!! gagayahin ko si japs, pag nagkaron ng mahabang time eh magblog ako ng tungkol lang sa fam.. message ko na ren para sa kanila at kung san nagsimula ung fam.. haha! sobrang back track ang gagawin ko nito.. inuumpisahan ko na nga isipin eh.. hehe! for sure sa pagrereminisce ko eh hindi pwedeng hindi ako tumawa mag isa.. haha! yung tipong may sound pa.. haha!! basta gagawa na lang ako ng ganun pati dictionary ng fam.. ung pag sinabi namen eh alam na namen ung double meaning nun.. haha!! pati mga codenames namen especially sa mga boys.. haha!! ansaya non.. sana lang matandaan ko pa sya.. haha! kelangan ko ng buong fam para sa brain storming ng project na to.. haha!!

hai pagod na ko mag type.. next time na lang ulet.. haha!! siguro may sustansya na next time.. haha!! see you!

P.S. may naisip na ko na title.. eto kasi nafifil ko eh.. haha!