tantatatatan

life is tough.. but we're soooo blessed, we have a Big God.. all we have to do is pause.. then play..Ü

Thursday, January 22, 2009

JOKETYM FAM


01.22.09

Ayan, january 22, 2009 ngaun.. sisimulan ko na tong pinlano ko na entry about my 'fam'.. kelan kaya ako matatapos.. hmm.. tmad talaga ako, wala pa ko sa kalagitnaan pagod na ko.. haha!! eni, ung fam na tinutukoy ko eh hindi ung literal na pamilya na biological.. pero ung bond at pagmamahal namen sa isa't isa eh daig pa ang magkapamilya at magkadugo.. pero infairness, magkakadugo nga pala kami, kulay purple ung dugo namen kasi sweet kami eh.. hehe! si rea nag paumpisa kasi nun..

umpisahan ko na kung panu nagsimula ang fam.. nung unang panahon, hindi kami talaga magkakakilala, syempre naman kasi magkakaiba kami ng section, nagkakita lang kami nung 2nd year na kami sa FEU kasi pareho nga kami ng mga course.. MASSCOM-- pare pareho siguro kasi kami ng hilig -- manchismis.. haha!! aun, iba ung ka group ko, ang kasama ko palagi sa mga groupings eh si jenipher, jennelyn, rhealyn, loraine at ako.. so 5 kami, lagi den naman kasi 5 members per group kaya swak lang kami at kami na ren ung naging friends.. tapos syempre ung iba naman may kanya kanyang grupo..

minsan maaga ang uwian namen, eh tamad ako umuwi kasi super init plus tapos na ata ung sinusubaybayan ko na series na 'sarah the teen princess' kaya ok lang saken na mejo madelay ang uwi. tapos ung mga kagroup ko eh may kanya kanyang business kaya ako na lang ang natira.. sumama ako kila japs at tumambay kami sa freedom park hanggang hapon.. di lang once un.. kasi naulet un.. masaya sila kasama, hanggang nakapagkwentuhan na.. ok na ung mga sumunod na araw.. lagi na akong hindi umuuwi ng maaga.. haha!! tapos umabot na ren sa punto na sumasabay ako maglunch sa kanila (sa group nila japs).. hanggang mapansin ng mga ka-group ko na naaattach na ko kila japs.. tas nagkaron ng drama subject, mga individual at group directing.. tulungan kasi we're blockmates.. haha!! aun, mas naging deeper ang aming relationship.. charot! pero kidding aside, dun nga nag umpisa.. hanggang eto pa.. enrollment un, lilipat sila loraine ng section kasi parang ayaw na nya sa section namen (kami na nakakaalam nun kung baket) haha!! basta un.. di ko naman maiwan ung section namen kasi close ko na sila japs, eds, cel, tet etc.. kaya un, deadma lang ako.. napilit naman sila loraine na wag na lumipat kaya happy pa ren..

tas isang breaktime sa plaza ni nicanor (kung san nakalibing si nicanor) charot! haha! basta dun malapet sa NRH, dun kami kumakain ng lunch dati kahit na mainit. basta isang tanghali dun sa lugar na un eh masayang ngkkwentuhan kami tas biglang sabi nila si japs daw si inang mother tas sila daw ung mga anak (sa encantadia) ung apat na brilyante ba un o elemento? kahit anu, di ko na tanda.. basta ganun, tapos dahil andun ako at wala akong role syempre binigyan nila ko ng role.. ako si cashopea/kashopeya na kapatid ng reyna (si japs un) napaka alangan naman kasi kung anak din nya ko.. haha! plus apat nga lang kasi ung mga anak.. sakto na kila celren, tet, eds, einj.. tas un, ako nga si cashopeya in short eh cash, tita cash.. mula ng araw na to eh sapilitan ko nang tinalikuran ang pangalan ko na gwen.. nawalan kasi ako ng karapatan sa pangalan na gwen, talagang cash na talaga.. haha!! sa susunod na blog ko ikkwento ang pagevolve ng pangalan na cash.. hahaha! basta aun.. lagi kami magkakasama at nagtatawanan.. tas nauso ung group of 10 sa mga projects (production classes) syempre hindi kami nila japs ang magkakagroup since birth kaya dumaan pa kami sa pagsubok para lang maging magkagroup kami. nagkaron pa ng mga issues, pero wala na un.. better not to discuss here.. pagkwentuhan na lang naten ng live.. hehehe!!

basta ganun nga na-achieve namen na kami ang maging magkakagroup.. bale 10 kami.. ako, japs, cel, tet, rea, einj, eds, loraine, jenipher, jennelyn. 10 kami pero hindi nakasama si jenipher at jennelyn sa 'fam'.. naging neighbors naman sila.. hehe!! basta ibang issue den un kung baket kaming 8 lang ang natira..

naging ok na kila loraine na mapasama kila eds kasi masaya talaga sila kasama.. hanggang jumoin na ren sila sa pamilya pamilyahan.. naging mama ni loraine si einj at naging mama ni rea si cel.. basta nag agawan pa sila ng mama nun eh.. hehe! basta aun.. maaga kasi lumandi si cel at einj kaya sila ang nagkaanak.. umabot sa point na lola ang tawag nila kay japs.. wahahahaha!! comedy bar talaga!! at nung nagtanungan kung anung surname namen? syempre napagkasunduan na JOKETYM na lang kasi naman bukambibig namen ung 'joketym' eh.. kaya kami naging JOKETYM FAM..

may mga plus pa.. si ena na dating kapitbahay eh naging fam na den, dapat anak ko xa kayalang ayaw nila tetet.. insecure kasi sila.. haha!! tas si cristal, anak ko den siya kay toink toink.. bale nabuo ulet kami na 10..


and the rest was history.. Ü

7 Comments:

  • At January 24, 2009 at 6:32 AM , Blogger eds said...

    Natawa aq tita cash. hahahaha!

    wala lang. ang babaw q eh. namis q 2loi ang FEU. naiiyak na ko, charot!

     
  • At January 24, 2009 at 8:17 AM , Blogger japsy said...

    charrie, natatawa ko. natatawa ko sa purple na dugo at sa sapilitan mong pagtalikod sa pangalang gwen upang maging tita cash. pero ooopps, may nakalimutan kang detalye. di mo nasama kung bakit naging fam na rin si cristal, diba di naman talaga siya member. pero syempre, di ko naman ididiscuss dito kung pano nangyari yun. heheh. baka may kabahan eh. heheh. yun lang. pwede ko bang i-copy paste to sa blog ko? don't worry, i'll credit you. baka kasuhan mo pa ko ng plagiarism. charot. :-)

     
  • At January 25, 2009 at 7:26 PM , Blogger gwen said...

    nakakatawa ung plagiarism at tungkol kay tal.. haha!! go lang..

     
  • At January 26, 2009 at 10:47 PM , Blogger cecil said...

    hahahaha!!!
    natatawa rin ako taksh..
    natawa rin ako ng bongga dun sa sapilitan mong pagtalikod mo sa pangalang gwen..haha..

    ako rin..ika-copy paste ko den sa blog ko..pls..hehe..okei, nkpgdesisyon na ko..xmpre may citation nmn..onga, plagiarism..hehe..

    at..hindi ka bakla sa entry mong ito taksh..hehe..ndi ka umiyak eh..

     
  • At January 26, 2009 at 10:58 PM , Blogger gwen said...

    salamat! mula ngaun pinapractice ko nang wag maging bakla.. haha!!

     
  • At February 1, 2009 at 1:32 AM , Blogger eds said...

    d naman kasi kailangan pang idiscuss.. tapos na eh..

     
  • At February 2, 2009 at 7:36 PM , Blogger gwen said...

    charot ka eds!!! hahaha!!!

    sabaw..

     

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home