tantatatatan

life is tough.. but we're soooo blessed, we have a Big God.. all we have to do is pause.. then play..Ü

Monday, August 25, 2008

lunas sa lungkot

08.26.08

nakakapagod mag-isip.. nakakapagod mag-alala.. pero anu naman magagawa ko, di ko ren naman mapigilan.. ang astig lang talaga ni God na ginagawa Nyang maaksyon yung buhay ko.. hindi Nya hinahayaan maging stagnant.. hehe! ansaya tumawa.. namimiss ko na naman ang 'tawa like there's no tomorrow'.. hai.. kelangan ko na naman ata makipag-meet sa fam para malunasan to.. haha!! gamot pala ang fam.. hehe!! para maiwasan ang ganitong kalungkutan..

napagdesisyunan ko na magplano para sa nalalapit na xmas party ng fam.. syempre dapat bonggang bongga to.. gamitin na ang mga talento para masakatuparan to.. syempre ung venue muna.. napagplanuhan na kila tal gawin (sana walang tumutol).. pwede kasi namen gawin lahat dun eh.. para kaming may sariling bahay.. hehe! (sorry tal, pinaplano na namen kahet di mu alam,kasi naman mag-globe ka na.) aun.. sana magkatugma tugma ang mga sked namen.. balak ko sana overnight eh, weakness kasi namin to! haha! mahilig kami magovernyt kahit na may mga pasok kinabukasan, aun.. balik tau sa xmas party..

eto ang info:

what: Paskuhan Fam '08
when: TBD (preferably, after lunch?)
where: tal's mansion
things to bring: food (pot luck), gifts (xchange gift & to everyone), at syempre IKAW!!

*ung food eh magusap usap tau kung anu dadalin para naman walang magkadoble..
*ung xchange gift, usap den kung how much..
*i-advise den kung may mga kapartneran na isasama ok? kagaya last year..


P.S. WAG NA WAG MAG IINUMAN KUNG HINDI KAYA NG KUNG SINONG MYEMBRO.. OK? HEHE! PEACE EG!

Please block this date (kung anu mapagkasunduan) for the party.. ang valid lang na rason ay family reunion, church activity, work.. other than that hindi pwedeng ma re-sked ang party.. hehe! minsan lang to sa isang taon.. (ang lakas ng loob ko magsalita baka mamya sa sked ko magka-conflict). haha!! kaya dapat pag-usapan naten lahat ang date kung kelan to.. mag pre-prod kaya tau? tingin nyo? dito magaling si eg eh kaya xa dapat ang magplan nito.. hehe!

masaya to.. nilu-look forward ko na to.. imbis na mastress ako sa paligid pagpaplanuhan ko na lang to ng bonggang bongga.. haha!! kelangan uber kumpleto na tau.. dapat check na den si einj at ena at tal (syempre bahay nya un) hehe! aun..


anu pa ba? hmm.. may theme pa ba dapat? wag na.. we're in a free country kaya gora.. kung gusto mu mag-cologne lang eh di sige.. lam ko naman matagal nyo na pangarap un eh.. hehe!! ako den pangarap ko un.. haha!

wala na kong maisip pa.. anu pa? hmm.. basta kahit hindi super masunod lahat to.. basta magkita kita tau.. pero kaya nga diba maaga pinlano para matupad? kaya mangyayari to.. naniniwala ako.. haha! excited na ko.. magcountdown tau (panu? wala pang date?) siguro pagusapan naten pag december na para alam na naten ang mga skeds naten nun..

wala na ulet ako maisip.. siguro eto muna.. update ko nalang tong ka-blogan na to para sa mga iba pang suhestyon.. oks manoks?

kita kits!!

tira tira!

*akap*

2 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home