tantatatatan

life is tough.. but we're soooo blessed, we have a Big God.. all we have to do is pause.. then play..Ü

Thursday, December 18, 2008

isang linggong kasiyahan!

12.19.08

andaming nangyari sa linggong to.. masasaya naman infairness! dahil season break at xmas season den.. combong kasiyahan ang naganap..

MONDAY
umpisahan naten nung monday.. nagpunta kami sa ortigas para mag pa-facial.. syempre libre ako.. uber na kasiyahan na naman.. haha! maaga kami umales sa ofis.. mga 1230 tas nakauwi ako mag-9 na.. ok na ren.. napanood ko naman ung betty eh.. haha!

TUESDAY
tas tuesday.. xmas party ng solar (makati at antipolo) super aga namen sa venue.. mga 5 andun na kami.. kami na ata nagbukas ng rockwell tent eh.. haha! pero ikot muna.. tas balik ng 6pm.. buti na lang may tao na at open na ang buffet table.. eh di kain na! yehey! sarap nung brownies at fish chorva!! haha! di ko lam tawag dun eh.. aun.. mejo boring lang sa umpisa kasi puro tugtugan ung naganap.. tas presentation na.. bihis sa CR.. ansaya dahil ininvade ng mga antipolo peeps ang CR ng lalake at babae.. di sila nag share sa taga makati.. haha!! sa labas tuloy ata nagbihis mga taga makati... pero kineri naman nila.. aun.. dressing room pa lang super masaya na dahil sa mga kakaibang behavior ng mga boys.. haha!! ganun pala sila pag nakainom at nagsuot ng damit ng mga girls!! parang boys gone wild ang dating.. ayan.. tapos presentation na.. masaya naman.. wala nman nagkamali.. patok naman mga presentations.. da best ung beyonce team.. next kami.. haha! aun.. obvious naman kami ang nanalo.. may budget na ren para sa xmas party ng antipolo.. yehey! tas umuwi na kami after.. may mga naganap lang na dramahan sa bahay pero keri lang.. ok naman na kinabukasan eh..

WEDNESDAY
walang tao sa ofis gano ng araw na to! masaya kasi parang naggagala lang ang mga tao ng araw na to.. plus sinabayan pa ng bonggang kalamigan ng panahon.. haha! bonggang pagtambay at pagiinternet ang ginawa ko nung araw na un.. tapos nun.. pumunta kami kila eina.. kasi edit ng AVP.. ok naman kinalabasan pero wala nga lang effects ganu at transitions.. kasi naman anu bang alam namen ni eina dun.. haha!! ako ang producer tas sya ang editor.. haha! feeling kami nung araw na un.. haha!! eto ang malala! non-stop na trabaho ang ginawa namen dahil 6am na ko nakauwi.. pinilit na lang ang pagrerender para lang matapos.. haha!

THURSDAY
natulog ako ng 6am tas gumising ako ng past 8 kasi kelangan na magready kasi kasal ni kuya alex (pinsan ko) bongga ung kasal nya kasi naman.. napaka naman talaga! sa san agustin ginawa at napaka daming pagkain.. super! haha! masasarap pa lahat! plus! nagdress ako nito.. super 1st time.. nagpakabongga ako.. haha! after non, uwi tas may binili ako.. tas punta na sa xmas party sa antipolo.. buti na lang.. paakyat na sila ate che nun kaya naman nakasabay ako sakanila.. hai.. ansaya ng party.. bumaha ng alak at pagkain at tugtugan! non-stop kasiyahan talaga ang naganap..

inabutan ng xmas party kagabi sa solar antipolon ang bday ni ate jo.. we hope we made her happy.. tingin ko masaya naman xa eh.. kita naman sa kanya.. super non-stop xa.. haha! kung pwede lang nya palitan ung mga tumutugtog eh pinalitan na nya at xa na lang ang tumugtog.. haha! best in pictures den xa.. basta super inabangan namen ang adventures ni ate jo.. haha!! aun.. super saya ng xmas party..

maraming factor ang nagpasaya sakin kagabi.. pero mas malaking share dun ang ano.. haha!! secret! haha!! 1st time ko den nagpaiwan.. at tinapos ko talaga ung party.. masaya pala.. sa uulitin.. dumami tuloy ang dahilan para wag ako umalis dito sa solar.. haha!! pero bahala na si God dun..

nanalo ko sa raffle at trip to jerusalem.. nag give way kasi si joys.. haha! wala kasing cash price eh.. kung meron daw un, talagang makikipagunahan xa saken.. tingin ko nga totoo un kasi ba naman, nung practice pa lang tinulak ako.. haha! pasaway na joys to..

*pahabol! nag bigayan na kami ng gifts sa mga monito monita namen sa wing namen.. ansaya kasi best in sigawan.. plus ung nagbigay pa kay ate jo! haha! plus! ang binigay pa saken ni ate mich eh 'captured' cd ni xtian bautista! hoooo!! super saya ko pramis! haha! pangarap ko kasi un eh.. haha!

ayan.. 2am na ko nakauwi ng bahay.. may ngiti all over ang nafi feel ko.. super saya pramis.. hindi pa den ako maka get over. haha! tulog galore!

FRIDAY
infairness.. puyat na naman lahat pero naman may mga pumasok pa den kagaya ko.. late nga lang ako ng 1 min. nakakaasar un.. parang nang iinsulto ang dating! tanggap ko pa kung 15 min ako na-late eh.. pero ung 1 min.. hai! parang gusto mu na lang maglaho.. haha! bago ko umalis ng bahay pinakinggan ko muna ung cd.. ok nman xa.. super excited ako..

eto.. ngaun inaantok na ko.. kasi naman di pa ko nakakbawi ng puyat nung wednesday at kagabi eh.. haha! bonggang tambay na naman ako ngaung araw,, haha!! baka may date with oswi, nikki, mj later or may practice ng dance.. puyat na naman.. haha!!

SATURDAY
may Lord's day at practice ng dance (kung kasali sa dance) at polish AVP kung sipagin.. haha! .. di ko pa lam ang feeling kasi bukas pa to.. haha!!

SUNDAY
xmas party sa sfc! sa kingsville.. service team kami.. di ko lam kung sasayaw ako.. haha!! dito na ipepresent ung AVP na super pinagpuyatan namen.. sana ok nman.. haha!


**ayan.. isang linggong kasiyahan ng buhay ko.. sandali pero wagas.. :)

Friday, December 5, 2008

season break na!!!!!!!!! ulet..

12.05.08

hai.. season break na ulet.. haha! tapos na ang season 2.. ambilis.. official na to kasi kaka ingest ko lang.. hehe! bonggang pahinga na naman to.. hai, matatapos na ang araw.. mejo marami naman nangyari..

1. bday ni ms.jane--- may cake kami sabay ng gist giving.. super ingay sa taas.. pero uber naman sa saya.. hehe!

2. iningest ko na ung ep13 namen.. ambilis talaga ng panahon, parang kahapon lang eh iningest ko ung ep16 ng season 1, ngaun ep13 ng season 2 na.. hehe! baka naman bukas ep13 na ng seson 3 ang iingest ko.. haha! o.a. ko naman..

3. may baon ako.. at masaya ako na 18pesos lang ang nagastos ko sa OL.. haha!! rakenrol!

4. naka online ako maghapon.. minsan lang mangyari to josko.. haha!!

5. wala na kong maisip.. haha! sabaw.. naasar ako bigla kasi walang sustansya ung blog ko.. haha!! buti pa ung blog ng iba meron.. inggitera!! haha!!

till next tym..

Wednesday, December 3, 2008

lamig.. sarap.. hai..

12.04.08

malapit na mag pasko.. super nafifeel ko na xa.. aside from the fact na aircon dito.. haha!! malamig na talaga ang simoy ng hangin.. hai ansarap..

plus, final episode na ng season 2 ng chill spot.. makakapagpahinga na den kami ng bonggang bongga.. di ko masyado mamimiss ang work kasi saglit lang naman ang season break.. super thankful lang talaga ako at sa christmas season natapat ang bonggang break.. hehe!! busy sila lahat ngaun kasi nga nag eedit pa sila for the final ep.. ako naman tapos na mag capture kaya steady lang muna..

makakapag blog na naman ako ng bonggang bongga.. dahil nga wala na ganu ginagawa.. next week sisimulan ko na mag dub.. hehe.. para wala na ko problema.. aun.. absent sila lahat next week.. (sa pagkaka alam ko) may mga leave pa kasi sila eh, ako naman eh negative 7 ang leave ko.. pwede ren.. haha!! adik kasi ang kompanyang to.. may mga ganun na pinapauso.. infairness successful naman ang goal nila na maging unique.. kasi naman unique talaga sila dahel kami lang ang may ganung patakaran.. josko..

aun.. dahel nga wala akong leave eh.. papasok ako sa monday.. un eh kung sipagin ako.. haha! baka kasi maisipan ko den magpahinga lang.. hehe! pasaway dapat minsan..

wala pang ganung aksyon na nangyayari sa buhay ko.. ay eto pala.. meron kaming family day sa saturday.. sa riverbanks.. CFC Family Day '08.. floor d. ako.. sana naman hindi ako masyado ma-stress.. haha! pero excited naman na ko.. haha!

gagawa pa kami ng AVP for the chapter.. para sa xmas party.. sana talaga makapag isip ako ng bonggang bongga.. pag malamig pa naman pati ung utak ko nilalamig.. hai.. para kay God naman to kaya keri lang.. maiinitan din to.. haha!

basta marami pang mangyayari ngaung december kaya abangan nyo na lang.. este abangan ko na lang.. ako lang naman nakakabasa nito eh.. hehe!! bye.. :x